Saan you here?
*11. Destiny Adik*
Eto yung mga naghihintay kay "Destiny" na gumawa ng paraan para
pagtagpuin sila ng kanilang mga "partner in layp".. ayannn...
kakapanood nyo ng "Serendipity" eh feeling nyo ang nangyari sa movie eh
mangyayari rin sa inyo... such a cliché.. hindi nyo ba alam na kung
walang effort destiny is useless.
*10. Perfectionist/ Mapili*
Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong "dapat ganito ang magiging
kapartner ko". Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may
dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait,
boring daw, gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka
"bakit ang sama mo", "bakit mo nagawa yun!"... Adik ka ba?!... Ayaw sa
cute, ayaw din naman sa panget. Meron dyan gusto ka ayaw mo naman.. yung
gusto mo halos magtambling ka pero deadma pa rin yang stunts mO sa
kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya/ate?
*9. Busy Busyhan*
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung
estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka (WRITER bah! Lolz) . Yung tipong aalis ng bahay ng alas 5 o alas 6 ng umaga at uuwi ng bahay ng 7 hanggang alas 9 ng gabi (AKO YUN AH! Hahaha). Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda nang kelangan para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. Pause for a while naman!
*8. Friendship Theory*
Ano naman itech?... Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay
special friend, na hindi masabi-sabi sa friendship nya sa loob ng
kanilang mahabang panahon na pagsasama, dahil baka daw maapektuhan ang
pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si
friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag
pahalata, kunyari happy sya for friendship.
loob mo at baka mamaya forever mong pagsisihan yan, kaw rin!... Minsan
pa naman pareho pala kayong naghihintayan. . hmmp! haha
*7. Born-to-be-one (Autistic)*
Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta
lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamamatay sya sa
mundong mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang... Asa kang
tatanggapin ka pa noh! bwahahahaha
*6. Happy-go-lucky*
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino na
lang basta no strings attached (ayos ba chong?). For fun lang daw... Walang halong seryosohan.
pader. Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!
*5. Wrong Place*
Have you experienced this? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e
yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong
bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo
kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo! Wahahaha
*4. Wrong Time*
Eto yung mga tao na sinasabi na "hindi pa ako ready e, bata pa kasi ako"
o kaya naman "hindi pa ako handa sa panahong ito", "wala pa ako kayang
ipagmalaki". Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang
panahon para sa love (meron nga ba?). Awwwwwww!...
*3. Si Parents kasi...*
Yes, factor din ang community na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader
o pader na magkaron ka ng kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna
raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf (lolz). O kaya naman ikaw mismo! Takot sa
sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo.
lupa kayo." Awwwww!... Payo ko sayo, "Pakialam nila diba?... Palibhasa inggit! O d kaya naman eh napaglipasan na ng panahon!" hahaha
Eto kalimitan ang reason ng marami. "Ayaw kona!!! Takot na ako mangyari
pa ang nangyari dati!"... O diba, ang drama ng layp?... Yes, tama ka.
Eto yung dahil sa past relationship mo, e until now aayaw mo nang
magkaroon at sinumpa mo na ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa
mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil
binugbog ka!, anopa ba?... Madami yan wag na nating isa-isahin at baka
tumulo si tears, heheh... Ganunpaman, eto lang mga hija at
hijo... Ibat-iba ang lasa ng pag-ibig. May mapait, may mapakla, may
matamis at may maasim (as if nalasahan ko na! haha).
*1. EX to the Nth power*
Oi, aminin!!! LOVE pa rin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. May
ganito naman. Yung tipong ilang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin
makalimutan si ex. Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at
lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang
kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyo ng magpaalam sa
isa't-isa... YES, after a year sasabihin natin, "I'm over him/her na.",
pero pag-usapan natin ang love at ang nangyari sa ating relastionship
from the past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalala mo. At
habang nagkukwento ka, OUCH! may kirot, o kaya may ngiti at may
bumabagabag sa iyong kalooban. Ano kaya yun?!... AMININ mo na kasi,
MAHAL mo pa si EX...Isa lang ang masasabi ko, well, mahirap sya kalimutan alam
ko yan, (kahit d ko pa naexperience! haha) pero open your heart and try to entertain someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. At give urself a KITKAT, have a break.
1 comment:
hahaha... napaulok ako. funny post yhen. pero gari nalingawan mo si religious reasons. itong tipong ma-padi o ma-madre. pero igwa akong aram na "father" and "sister" na nagkadagusan. napasaen na si vow of celibacy?
Post a Comment